Siya at Ako
Nagkakilala kami sa aming paaralan, grade 4 ako habang siya ay 2nd year highschool. Sa ganong agwat ng edad, malayo na kami ay maging malapit. Pero kami ay naging magkaibigan, malapit na magkaibigan. Sabay kaming umuuwi, magkasamang bumibili ng makakain sa tindahan. Lagi kami nag-uusap at nagtatawanan. Pero sa isang iglap, nabago ang lahat. Grade 6 ako, 4th year naman siya. Hindi na kami nag-uusap, hindi na kami nagkakasabay sa pag-uwi at bihira ko na rin siya makita. Ang pinakamasaklap dun ay nalaman ko na mahal ko siya kung kailan wala na siya sa piling ko.
Makalipas ang apat na taon. Tuluyan na kaming nagkalayo. Hindi ko na siya nakita kahit minsan. Mayroon na rin kaming sariling mga buhay. Nababalitaan ko sa iba na may mahal na siya at malapit na siyang magtapos ng kanyang pag-aaral. Naisip ko nang “mag move-on”, at ginawa ko nga. Tuwing nakakakita ako ng tao na sa tingin ko ay para sa akin, nalilimutan ko siya. Masasabi ko na maayos na ang buhay ko dahil hindi na umiikot ang mundo ko sa kanya. Ngunit bigla naman siya magpaparamdam sa akin at makakalimutan ko nanaman ang pagtingin ko sa iba. Ilang beses na ito nangyari sa akin, ilang beses na rin nagulo ang buhay ko.
Pagktapos ng apat na taon, nakita ko siya, pero hindi niya ako nakita. Hindi ko siya binati dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Totoo, dahil nung nakita ko siya, nanlamig ang buong katawan ko at ako’y nanginig. Para bang biglang ibinigay sa akin ang matagal ko nang hiling – ang makita siyang muli. Nakuha ko nga ang aking hiling, pero ito pa rin ay aking pinalampas.
Ngayon, nakita ko na ang tunay na magpapasaya sa akin, magmamahal sa akin, at hindi ako iiwan. Naging masaya ako sa piling niya. Pero hindi na nawala sa isip at puso ko ang una kong mahal. May minamahal ako ngayonat siya na ang mahal ko ngayon, pero hindi mawala sa isip ko ang pagiging “guilty”. Naiinis akong isipin na hindi ko makalimutan ang isang tao, at ang taong ito ang nakagugulo sa aking isipan. Wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Page created: September 19th 2005 09:36 PM